Alam mo ba na may ibig palang gusto ang Diyos pero hindi ito naaabot ng karamihan. Ang ibig palang gusto ng Diyos ay perfect obedience. Pero mayroon kasi tayong hindi nalalaman. Sinisikap natin itong sundin pero mayroon tayong hindi maintindihan sa konsepto ng Diyos. Ano iyon?

“For whosoever shall keep the whole law,and yet offend in one point, he is guilty of all.”

James 2:10 KJV

“Sapagka’t ang sinomang gumaganap ng buong kautusan, at gayon ma’y natitisod sa isa, ay nagiging makasalanan sa lahat.”

Santiago 2:10 Tagalog 1905

Kung sinisikap mong sundin ito, meron kang dapat maunawaan. Kapag sinikap mong sundin yung sampung utos tapos nagkamali ka ng isa, sinira mo na ang lahat. So ibig sabihin kapag may nagawa kang mali na isa, meron kang siyam na nagawang mabuti. At sa pagsisikap mo na pag gawa ng sampu meron kang isang kasalanan. Ayon dito sa Bible, 10 -1 = ZERO. Anong sabi ng James 2:10? ZERO! Ngayon para hindi ka malito ibig sabihin ba nito wala kang nagawang tama? Bakit zero? Okay liwanagin natin.

Ang ibig sabihin ng zero ay hindi ka banal.

Kaya dalawang klase lang ng tao and meron, perfect at imperfect. Banal at makasalanan. Ang tanong banal ka ba? Perfect ka ba? Hindi.

Ilang mali ang kailangan para hindi ka maging perfect – isa lang.

So magkamali ka, nilabag mo na ang lahat kahit isa lang yung pagkakamali mo. Yung perfection ay hindi mo na matatawag na perfect. You have already broken the concept of perfection. Kaya yun ang ibig sabihin ng zero – hindi ka perfect. 

Okay may nagawa ka. Mas marami kang nagawang mabuti.

Sa dami mong nagawang mabuti, yun bang nagawa mo ay kapantay ng hinihingi ng Diyos? Hindi.

Anong ibig sabihin nang hindi kapantay? Ang ibig sabihin ay ang iyong mga nagawang mabuti ay kulang or short of what God requires. Anong sabi ng Bible, kung hindi niyo mahigitan ang mga ginawa ng Pariseo, hindi kayo papasok sa langit. Hindi ka naging perfect. 

Hindi enough ang iyong mga nagawang mabuti.

Kung ito ba ay iaalok mo sa Diyos, tatanggapin ka ba Niya? Hindi, dahil ito ay kulang sa hinihingi Niya, short of what God requires. Meron kang kasalanan. Ano daw ang bayad sa kasalanan? Ang bayad sa kasalanan ay kamatayan.

“Then said Jesus again unto them, I go my way, and ye shall seek me, and shall die in your sins: whither I go, ye cannot come.”

John 8:21 KJV

“Muli ngang sinabi niya sa kanila , Yayaon ako, at ako’y inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan: sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.”

Juan 8:21 Tagalog 1905

Hindi mabuting gawa ang bayad sa kasalanan. Hindi good works.

Kaya wag mong isipin na marami kapag marami kang nagawa na mabuti ay natakpan na.

Hindi. Yun ang konsepto ng tao pero hindi yun ang konsepto ng Diyos. Ang hinihinging bayad sa kasalanan ay kamatayan hindi good works. Pero ito ang dapat mong tandaan:

Dahil ikaw ay nagkasala at required kang magbayad, at ang bayad ay kamatayan, pag inabot ka ng kamatayan, na ang kasalanan ay hindi pa bayad, ito ang sabi ng Bible:

“… ye shall die in your sins.” John 8:24 KJV

At kapag yan ay nangyare, inabot ka ng kamatayan na ang kasalanan mo ay taglay taglay mo pa, kung san Ako (si Hesus) magpunta, hindi ka makakarating. Maliwanag ba? Niliwanag ni Hesus. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.

Pag inabot ka ng kamatayan at ang kasalanan ay hindi pa bayad magbabayad ka sa impiyerno.

Kaya dapat bago tayo mamatay na-settle na ang kasalanan. Kaya makikita natin rito na dapat habang buhay ka pa ay nabayaran na ang kasalanan mo at hindi mo na ito paaabutin pa bago ka mamatay. Gusto mong pumunta sa Diyos, pero ang Diyos ay may hinihingi sa iyo.

Ang nirerequire sayo ay:

“Bigyan mo Ako (Ang Diyos) ng perfect righteousness.

Ngayon hinihingan ka Niya ng perfect righteousness. Bibigyan ka Niya ng chance. So bibigyan kita ng Law (Ang Diyos) at yang mga yan, sundin mo. Kaya sa pamamagitan ng iyong mga gawa, yung nagawa mong mabuti ang mga nagawa mong tama yan ang magsisilbing sarili mong katuwiran. Ngayon kapag hindi mo nabayaran, kapag hindi na-settle, inabot ka ng kamatayan anong sabi ng Bible sa John 8:21? Kapag inabot ka ng kasalanan at hindi yan nabayaran anong sabi ni Hesus? Mamatay kayo sa kasalanan at kung saan Ako (si Hesus) pupunta hindi kayo makakarating. Ang tanong saan ba pupunta si Hesus?

“A little while, and ye shall not see me: and again, a little while, and ye shall see me, because I go to the Father.”

John 16:16 KJV

“Sangdali na lamang, at ako’y hindi na ninyo makikita; at muling sandali pa, at ako’y inyong makikita.”

Juan 16:16 Tagalog 1905

“Let not your heart be troubled: ye believe in God, believe also in me. [2] In my Father’s house are many mansions: if it were not so , I would have told you. I go to prepare a place for you. [3] And if I go and prepare a place for you, I will come again, and receive you unto myself; that where I am, there ye may be also.”

John 14:1-3 KJV

Huwag magulumihanan ang inyong puso: magsisampalataya kayo sa Dios, magsisampalataya naman kayo sa akin. [2] Sa bahay ng aking Ama ay maraming tahanan; kung di gayon, ay sinabi ko sana sa inyo; sapagka’t ako’y paroroon upang ipaghanda ko kayo ng dakong kalalagyan. [3] At kung ako’y pumaroon at kayo’y maipaghanda ng kalalagyan, ay muling paririto ako, at kayo’y tatanggapin ko sa aking sarili; upang kung saan ako naroroon, kayo naman ay dumoon.

Juan 14:1-3 Tagalog 1905

“Where I will go you cannot come… ” – Jesus

Ang tanong nasan ba ang Father? Anong proof mo na nasa langit ang Ama? 

“After this manner therefore pray ye: Our Father which art in heaven, Hallowed be thy name.”

Matthew 6:9 KJV

“Magsidalangin nga kayo ng ganito: Ama namin na nasa langit ka, Sambahin nawa ang pangalan mo.”

Mateo 6:9 Tagalog 1905

Sinong Father ba ang pinag-uusapan natin dito? Yung Father who is in Heaven.

Kunwari ito ka, sumunod ka sa Diyos, may hiningi ang Diyos sayo – perfect righteousness. Para maibigay mo ang hinihingi Niya sayo, binigyan ka ng Diyos ng pagkakataon, nagbigay Siya ng law sa ten commandments. Magpakita ka sa inyong mga gawa at yang nagawa mong yan, yan ang sarili mong righteousness.

Kaya kapag itong nagawa mong righteousness at ito ang iaalok mo sa Panginoon, ito ang lalabas – ang nagawa mong mabuti ay kapos.

Kung ito ang iaalok mo sa Panginoon, ito ang lalabas. Ang iyong nagawang mabuti ay kapos sa hinihingi ng Diyos. Kaya kapag ito ang inalok mo sa Diyos tatanggapin Niya ba? Anong sabi ng Diyos? Kapag hindi mo mahigitan yung ngawa ng Pariseo, kahit anong paraan hindi kayo makakapasok sa Langit. Sa paraang ito, sinikap mo hanggang ikaw ay tumanda. Aabutin ka ng kamatayan at ito lang lagi ang mangyayare, gagawa ng mabuti, magkakasala, gagawa ng mabuti, magkakasala – ganun ang cycle.

May nagawa kang siyam na mabuti, makakagawa ka ng isang kasalanan – kaya wala kang pagkakataon na mapunta sa langit dahil hindi ito nababago. Hindi mo kayang maging perfect.

Aabutin ka ng kamatayan, ito pa rin ang iyong kalagayan. Kapag ito ang kalagayan mo anong mangyayare? Sabi ni Hesus, “Kung san Ako magpunta, hindi kayo makakarating.” Paano niyo malalaman na dito Siya pupunta? Hindi ka makakarating sa langit, e ‘di san ka pupunta?

“But the fearful, and unbelieving, and the abominable, and murderers, and whoremongers, and sorcerers, and idolaters, and all liars, shall have their part in the lake which burneth with fire and brimstone: which is the second death.”

Revelation 21:8 KJV

“Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan.”

Pahayag 21:8 Tagalog 1905

“Know ye not that the unrighteous shall not inherit the kingdom of God? Be not deceived: neither fornicators, nor idolaters, nor adulterers, nor effeminate, nor abusers of themselves with mankind, [10] Nor thieves, nor covetous, nor drunkards, nor revilers, nor extortioners, shall inherit the kingdom of God.”

I Corinthians 6:9-10 KJV

“O hindi baga ninyo nalalaman na ang mga liko ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios? Huwag kayong padaya: kahit ang mga mapakiapid, ni ang mga mananamba sa diosdiosan, ni ang mga mangangalunya, ni ang mga nangbababae, ni ang mga mapakiapid sa kapuwa lalake. [10] Ni ang mga magnanakaw, ni ang mga masasakim, ni ang mga manglalasing, ni ang mga mapagtungayaw, ni ang mga manglulupig, ay hindi mangagmamana ng kaharian ng Dios.”

I Mga Taga Corinto 6:9-10 Tagalog 1905

Kung hindi ka pupunta sa langit, masusunog ka sa impiyerno.

Kaya kung ito ang kalagayan mo ‘wag ka na magtaka, ‘wag ka na mag isip at ‘wag kang magulat dahil naghihintay ang impiyerno sa katulad mo. At lahat ng taong katulad natin ito ang kalalagyan.

Nagyon ang magiging tanong natin dito ay kung wala akong kapasidad o kakayanan na iligtas ang aking sarili na tanggapin ako ng Diyos sa kabila ng lahat ng aking katuwiran o mabuting gawa, kung ako’y aabutin ng kamatayan at di ko kayang iligtas ang sarili ko,

MERON PA BANG IBANG PARAAN PARA AKO’Y MALIGTAS. ITO AY ISANG MAGANDANG TANONG. ANG SAGOT NG DIYOS, BIG YES! KAIBIGAN, MAY IBA PANG PARAAN! 

“But now the righteousness of God without the law is manifested, being witnessed by the law and the prophets.”

Romans 3:21 KJV

“Datapuwa’t ngayon bukod sa kautusan ay ipinahahayag ang isang katuwiran ng Dios, na sinasaksihan ng kautusan at ng mga propeta.”

Mga Romano 3:21 Tagalog 1905

“But now the righteousness of God… “

Meron palang ganun, meron palang righteousness without the law. So imbis na doon tayo sa righteousness by the law na kapos, meron namang righteousness without the law. Kaya dito tayo dadaan – righteousness without the law. Anong righteousness yan – righteousness of God. Meron palang paraan. Paano naman ‘tong God’s righteousness?

“Even the righteousness of God which is by faith of Jesus Christ unto all and upon all them that believe: for there is no difference.”

Romans 3:22 KJV

“Sa makatuwid baga’y ang katuwiran ng Dios sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo sa lahat ng mga nagsisisampalataya; sapagka’t walang pagkakaiba.”

Mga Romano 3:22 Tagalog 1905

So ito palang righteousness of God ay by faith. Meron palang righteousness by faith. Akala natin noong una ang righteousness ay by the law lang. Pero kapag sinunod mo ang kautusan, iyon ang magiging katuwiran mo kaya lang yan ay laging kapos. Ngayon may sinasabi ang bibliya na righteousness of God by faith. Ano ngayon ang gagawin mo?Paano ka magkakaroon ng righteousness by faith? Paano mangyayari iyan?

“Even as David also describeth the blessedness of the man, unto whom God imputeth righteousness without works.”

Romans 4:6 KJV

“Gaya naman ng sinasambit ni David na kapalaran ng tao, na sa kaniya’y ibinibilang ng Dios ang katuwiran nang walang mga gawa.”

Mga Romano 4:6 Tagalog 1905

Meron palang righteousness without works. Lahat ng religion righteousness by works yan. At itong righteousness na ito ay by faith that comes from God, ito naman without the works.

 “Blessed is the man unto whom God imputeth righteousness… “ 

Ano ba ang ibig sabihin ng impute? Lalagyan kita. Kanino galing yan? Sa Diyos. May ginawa ka ba? Wala, ibinigay Niya lang iyan. Yan ang righteousness ng Diyos na kapag ika’y manampalataya yan ay ilalagay Niya sayo. Wala kang ginawa, wala kang bahagi dito. Perfect righteousness na iyan at hindi ito kapos. Ang tawag jan ay imputed ibinigay sa iyo. May dalawang sistema.

Itong system ng works at itong system ng without works.

Ngayon kung with works, kapos. Magkakasala ka, hahatulan ka ng kamatayan, magbabayad ka. Yan ang sistema. Yan ang mangyayare. Kaya hindi ka maliligtas.

Ngayon kaibigan, dito naman tayo sa kabila. Kung ito naman ang sistema na iyong gagamitin – without works, paano naman ito mangyayare?

Ang Diyos ay hindi lang Holy and Righteous. Ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig. At ang Diyos ay Diyos rin ng awa. 

Sabi ng pag-ibig, “Mahal na mahal kita, lahat ay gagawin Ko para maisama kita sa langit.” Pero sabi naman ng kabanalan, “Marumi ka, malinis Ako. Hindi kita pwedeng tanggapin sa langit. Gagawin Ko ang lahat para hindi ka makapasok rito.”

Anong mangyayare? Can you imagine hindi basta magawa ng Diyos ang gusto Niya. Kasi may sumasalungat sa Kanyang katangian. Sabi ng kabanalan, “Hindi kita papapasukin!” Sabi ng pagmamahal, “Papapasukin kita.” Kontra yung dalawa. Sabi ng kaawaan ng Diyos, “Alam Kong hindi mo kaya, at alam Ko ang dadanasin mo sa impiyerno. Naawa Ako sayo, gagawin Ko ang lahat, para wag kang mapahamak sa impiyerno.”

Yan ang awa, para huwag kang mapunta sa walang hanggang pagdurusa. Sabi naman ng katuwiran ng Diyos, “Ako’y matuwid na Diyos, hindi Ko icocompromise ang kadiliman dahil nagkasala ka, hahatulan Kita. Gagawin ko ang lahat para maitapon ka sa impiyerno kasi madumi ka at Ako ay banal na Diyos.”

Salungat ngayon ang dalawa. So ang Diyos ay may malaking problema rin. Gustuhin man na isama ka sa langit, hindi pumapayag ang kabanalan at katuwiran. Gustuhin mang itapon ka sa impyerno dahil sa galit Ko sa kasalanan na ginawa mo, hindi naman basta pumayag ang pag-ibig at kaawaan ng Diyos.

Kaya ngayon ay buhay ka pa.

Bakit ka nabubuhay ngayon? Dahil sa pag-ibig at awa ng Diyos. Hindi dahil kumakain ka ng tinapay. Kaya buhay ka pa hanggang ngayon. Wag mong sayangin ang pagkakataon. Dahil ang buhay na iyan ay pag-ibig at awa lang ng Diyos. Pasalamat ka, mahal ka ng Diyos. So anong ginawa ng pag-ibig at awa ng Diyos? Dahil gagawin Niya ang lahat para lang wag kang pumunta sa impiyerno at gusto ka Niya makasama sa langit, nagpadala Siya ng sagot.

Nagpadala Siya ng Tagapagligtas. 

Dito papasok si Hesus. 

Naniniwala ka ba na si Hesus ay nagkasala o hindi? 

“For he hath made him to be sin for us, who knew no sin; that we might be made the righteousness of God in him.”

II Corinthians 5:21 KJV

“Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo’y maging sa kaniya’y katuwiran ng Dios.”

I Mga Taga Corinto 5:21 Tagalog 1905

“Forasmuch as ye know that ye were not redeemed with corruptible things, as silver and gold, from your vain conversation received by tradition from your fathers; [19] But with the precious blood of Christ, as of a lamb without blemish and without spot.”

I Peter 1:18-19 KJV

“Na inyong nalalamang kayo’y tinubos hindi ng mga bagay na nangasisira, ng pilak o ginto, mula sa inyong walang kabuluhang paraan ng pamumuhay, na ipinamana sa inyo ng inyong mga magulang; [19] Kundi ng mahalagang dugo, gaya ng sa korderong walang kapintasan at walang dungis, sa makatuwid baga’y ang dugo ni Cristo.”

I Pedro 1:18-19 Tagalog 1905

“For we have not an high priest which cannot be touched with the feeling of our infirmities; but was in all points tempted like as we are, yet without sin.”

Hebrews 4:15 KJV

“Sapagka’t tayo’y walang isang dakilang saserdote na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin gayon ma’y walang kasalanan.”

Hebreo 4:15 Tagalog 1905

“… yet without sin.”

Kaya si Jesus Christ mayroong perfect righteousness.

Katuwiran na walang halong kasalanan. Meron ang Diyos niyan. Ikaw meron kang nagawang tama, may nagawa kang mali. Kaya ang iyong katuwiran ay relative righteousness. Ano ang ibig sabihin ng relative righteousness? Nagbabago-bago. Minsan walo, minsan dalawa. Kaya nag-iiba ang dami ng kasalanan ng tao. Kaya walang makaperfect. Kaya relative. Yung isa mas mabait siya, mas mabait ako. Mas makasalanan siya, mas makasalanan ako.

Ang katuwiran natin ay iba sa katuwiran ng Diyos.

Si Jesus Christ lang ang mayroon nito – perfect righteousness. Sabi ng Diyos kung tayo ang gagawa hindi natin kakayanin.

Kaya nirerekomenda ko sayo na pagtiwalaan mo si Hesu Kristo, bilang iyong sariling Tagapagligtas, pagsisihan mo ang iyong kasalanan, hindi ikaw ang gagawa, ang katuwiran ay manggagaling sa Diyos.

Paano yun? Inaamin mo ba na hindi mo kayang iligtas ang iyong sarili? Kung oo ang sagot mo, ngayon ay magsisisi ka sa iyong kasalanan at magtitiwala ka kay Kristo bilang iyong sariling tagapagligtas. 

So kung sumagot ka ng yes ito ka ngayon, nagtiwala ka kay Kristo bilang sarili mong tagapagligtas, 100% na pagtitiwala mo sa Kanya, ngayon nagsisisi ka na, dahil alam mong may bayad ang kasalanan at ngayon wala ka namang magawa pero may Tagapagligtas, magtiwala ka ngayon sa Kanya, at ‘pag nagtiwala ka sa Kanya ito ang gagawin sayo ng Panginoong Hesus:

Lahat ng kasalanan mo na pasan-pasan mo ngayon ay aakuin Niya.

Kapag ikaw ay nagtiwala, lahat ng kasalanan mo aakuin Niyang lahat. Kapag ba lahat ng kasalanan mo ay pinasan Niya, may papasanin ka pa ba? WALA NA. Hindi mo na siya ngayun problema. Nagyon nagtiwala ka kay Hesus, lahat ng kasalanan mo, aakuin Niya. Wala ka ng papasanin – SOLVE PROBLEM NUMBER 1. 

Sunod, kapag ang kasalanan mo pinasan Niya wala ka ng papasanin. Kapag Siya naman ngayon ang may pasan, anong bayad sa kasalanan? Kamatayan. Kaya si Kristo, Siya ngayon ang magbabayad Niyan.

Anong bayad sa kasalanan? Kamatayan. Kaya si Kristo kahit walang kasalanan Siya ay namatay bilang kabayaran sa lahat ng iyong kasalanan.

Kapag nanampalataya ka sa Kanya, yung kasalanan mo papasanin Niya kaya wala ka ng papasanin at yung bayad na dapat mong bayaran ay binayaran na Niya.

KAPAG YUNG MGA KASALANAN MO BINAYARAN NA NIYA, MAY BABAYARAN KA PA BA? WALA NA. SOLVE PROBLEM NUMBER 2.

Dalawa na ang nassolve because of trust. Hindi lang yan, ito pa ang maganda dito. Dahil ikaw ay nanampalataya sa Kanya ito ang solusyon ng Diyos, itong katuwiran ni Kristo ay ibibigay sa iyo. Magkakaroon ka ngayon ng imputed righteousness. Tanong ko, kailan ito tinatanggap ng isang taong makasalanan? Kapag nanampalataya. So nananampalataya ka ngayon, anong mangyayari sayo?

Yung katuwiran ni Kristo ibibigay sayo. 

Pangalawa kapag meron ka na nito ang tanong, kapos pa ba? HINDI NA – SOLVED PROBLEM NUMBER 3. HIndi na kapos kapag meron ka ng perfect righteousness. Ngayon dahil meron ka ng perfect righteousness haharangan ka pa ba ng perfect standard ng Diyos? HINDI NA – SOLVED PROBLEM NUMBER 4.

Yung Kanyang perfect demand ay hindi na hadlang. Nasatisfy Siya kapag meron kang perfect righteousness. Its the kind of righteousness that comes from Christ – imputed upon the believing repentant sinner. Ngayon, bayad na ang kasalanan mo, meron ka ng perfect righteouness.

Pwedeng-pwede ka ng tanggapin ng Diyos!

Ngayong naintindihan mo, hindi ka pa ligtas. Para yan maging totoo sa iyo, kinakailangan meron ka pang next step na gagawin. 

“For with the heart man believeth unto righteousness; and with the mouth confession is made unto salvation.”

Romans 10:10 KJV

“Sapagka’t ang tao’y nanampalataya ng puso sa ikatutuwid; at ginagawa sa pamamagitan ng bibig ang pagpapahayag sa ikaliligtas.”

Mga Romano 10:10 Tagalog 1905

Para maging totoo ‘to sayo at gawin ng Diyos sa iyo ito:

“That if thou shalt confess with thy mouth the Lord Jesus, and shalt believe in thine heart that God hath raised him from the dead, thou shalt be saved.”

Romans 10:9 KJV

“Sapagka’t kung ipahahayag mo ng iyong bibig si Jesus na Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang maguli ng Dios sa mga patay ay maliligtas ka.”

Mga Romano 10:9-10 Tagalog 1905

Aminin na makasalanan ka. Aminin mo na may hatol ka. Hindi mo kayang iligtas ang sarili mo. Kilalanin mo na si Kristo lang ang Panginoon mo at Tagapagligtas. Buong puso mong pagtiwalaan si Kristo na Tagapagligas. Sabihin mo ng mula sa puso, mula sa iyong bibig at sabihin mo sa Panginoon.

 

2 thoughts on “Ang Mensahe ng Pag-asa (Full Transcript)

Leave a comment